isandaang araw

Hindi ko akalaing ako’y mahuhumaling sa isang tulad mo

Tulad mo na palaging nakakaalalay sa isang kaibigan

Tulad mo na madalas nakaakay sa isang kabataan

Tulad mo na hindi maiwan ang minamahal na pamilya

Ilang beses ko ninais na ika’y iwasan

Minsan mabigat at tila may pasan

Ngunit bakit, ito’y isang lihim

Ako’y bumabalik, sa iyo palapit pa rin

Ikaw na hindi ko mawari kung maginoo ba

O sadyang may sabit

Oh kay hirap naman sa damdamin kumapit

Lalong kabaliwan ang aking sinapit

Atras abante, Urong sulong,

Paikot-ikot, Pabalik balik

Tayo nga’y tao sa magkabilang mundo

Pinagtagpo at pinagtapat ating mga puso

Sa iyong pagbalik ako’y iyong nasalubong

Tila mga pusang naghaharutan sa bubong

Mula noon damdami’y di na natahimik

Hanggang sa ako’y sumuko na at hindi umimik

Puno man ng agam agam,

Maging totoo lamang ang tanging alam

Muling subukan ang magtiwala muli

Nang walang pagsisihan sa huli

Paanong hindi sa iyo mahahalina

Paanong hindi sa iyo mahuhulog

Kung ang bawat simpleng galaw at katangian mo

Ang siya mismong nagbubulid sa ating damdamin

Saya ang dulot mo sa bawat araw na lumilipas

Paminsang ako’y naiinis rin pala sa iyo’y kapangitan

Ngunit ito’y lambing ng babaeng may kasungitan

Wag ng tumutol at pagmamahal ay punan

Salamat sa pagdating sa aking munting buhay,
Giliw, ang pagibig kong ito sa iyo ay alay

Sabay nating gawing kahapon ang bawat bukas

Itatawid ng magkasamang lakas ang bawat oras

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: